Miyerkules, Oktubre 5, 2011

"Para kay Sir Jayson"

[207304_207633419254920_100000247907367_751314_6376237_n.jpg]



Isang masiglang pagbati mula sa akin aking minamahal na guro sa Filipino 110.
Ako ay nagpapasalamat dahil naibigay ninyo sa amin ang isang napakagandang pagtuturo. Dahil marami akong natutunan mula sa iyo . Mapa-akademiya man at sa pag-uugali. Nagpapasalamat din ako dahil nakita ko na ginagawa mo ang lahat para sa amin, sa ikakabuti ng aming pag-aaral. Ako rin ay humihingi ng tawad kung minsan ay nakakagawa ng mali at napapasakit ang iyong ulo. Pero alam ko na hindi sapat ang lahat ng pag papasalamat ko sa lahat ng inyong ginawa para sa amin.


Lubos na gumgalang
Guillermo L. Miranda III


"Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110"

Sa aking isang semestre sa sabjek na ito ay isang napakagandang karanasan. Madami akong natutunan at nakilala dito. Maraming aktibidad kaming ginawa dito na nagpasaya sa akin. Isa sa hindi ko makakalimutang karanasan dito ay ang pag-gawa ng MTV o Music Video na proyekto namin sa Finals. Naging maganda ang pagsasama naming ng aking mga kagrupo dahil pinagtibay nito an gaming samahan at tinaggal ang hiya sa isa’t isa. Dahil dito isang magandang karanasan ang aming nabuo.

"Ang Sining ng Aking Pangalan"


G-aling at disakarte, iyan ang aking puhunan .
U-pang malampasan  ang lahat ng mga pag-subok.
I-lan na lamang dito ay sadyang napkahirap.
L-alo na kung damay dito ang iyong mga minamahal.
L-akas ng loob lamang ang aking sandata.
E-spada kung ituring laban sa mga problema.
R-urok ng tagumpay,iyan ang landas na aking tinatahak
M-aging matagumpay upang makatulong sa pamilya ang aking ninanais
O-ras na ang lahat nay an ay mangyari, isang maimpluwensyang tao na ang inyong makikita sa akin.