Miyerkules, Setyembre 21, 2011

SI P-NOY PARA SA MGA PINOY




"Kayo ang boss ko"
ito ang popular na linya na sinabi ni pangulong Noynoy Aquino sa kanyang nakaraang SONA kamakailan lamang.Dito ay kanyang sinabi ang kanyang lahat ng programa na gusto niya mangyari sa ating bansa. Para sa akin maganda naman ang kanyang mga sinabi, kahali-halina nga sa tenga kumbaga, at madame sa mga kaibigan ko ang nagsabi na nagustuhan nila ang sona na kanilang narinig galing kay PNoy.
Pero hindi rin naman maiwasan na may mga katanungan na pumasok sa akig isipan noong aking pinakikinggan ang SONA ng presidente, kung ito ba ay kaya niyang panindigan lahat ? kung ito ba ay makatotohanan ? o kung sa lahat ba ng tinkoy niyang personalidad sa nasabing SONA ay karapat dapat pagkatiwalaan?
Ang aking hinaing at gusto lamang mangyari ay sana , hindi lang ulit sa salita kundi pati na rin sa gawa. Sana ay maipakita niya sa lahat ng pilipino na hindi nag kamali ang pilipino sa pagluklok sa kanya sa pwestong kina-uupuan niya ngayon. At sana  ay hindi niya sayangin ang tiwala ng milyong milyong pilipino na umaasa sa mga pangako na binitawan niya na sana na ang lahat ng iyon ay hindi lamang mapako.Isa ako sa umaasa na lahat ng iyon ay matupad para sa ikagaganda at ikauunlad na rin ng ating bansa.
Iyan lamang po ang aking nais sabihin, MARAMING SALAMAT PO.

Ang Awit ng Aking Buhay

Touch My Hand ni David Archuleta ang aking napili. Hindi lamang dahil sa paborito ko ito at dahil nakakarelate ako, ito ang napili ko dahil sa tuwing napapakinggan ko ang kantang ito ay nakikita ko ang mga nangyayare sa akin . sa mga  bawat salita sa kantang ito katumbas ng mga pagyayari sa aking buhay. Sabi nga sa kantang it "Try to reach out to you Touch my hand" Parang ako na pilit tumutulong sa aking mga kaibigan sa abot ng aking makakaya.

Sampung Taon Mula Ngayon , Heto na Ako!

Isang Maaliwalas na kinabukasan ang aking nakikita sampung taon mula ngayon, ako ay nakapagtapos na ng aking kurso at siguro ay maryoon na akong disenteng trabaho sa panahong iyon.Tumutulong na rin ako sa aking magulang sa pag papa-aral sa aking mga kapatid. Sa panahong iyon wala pa siguro sa isip ko ang mag asawa dahil sa ako ang panganay ,mas prayoridad ko muna siguro ang aking pamilya kaysa sariling kaligayahan. At sa tingin ko naman ay magiging maginhawa ang aking buhay dahil ipina-pangako ko sa aking mga magulang na ako ay iiwas sa mga masasamang bisyo pati na rin sa mga mai-umpluwensyang barkada. Sampung taon mula ngayon,  Heto na ako ! isang matagumpay na tao.

Ang aking Crush


Siya ang aking napili dahil sa mga talento niya lalong lao na sa pag kanta . Hindi lang siya may itsura kundi mat talino at talento pa. Bibihira lang ang babaing ganito kaya siya ang aking napili na maging crush.

Ako Bilang Isang Bagay

"Panyo" ang bagay na unang pumapasok sa aking isip kung anong bagay ang maaring ihalaintulad sa aking sarili sa isang bagay. Una ay dahil tulad ng panyo ay makakaramay mo ako sa pag-pawi ng iyong luha sa panahon ng iyong kalungkutan at maski sa iyong kaligayahan ay makakasama mo ako sa sa pagsalo ng iyong mga luha ng kasiyahan.Pangalawa ay kahit saan ka magpunta ay kasakasama mo ako.

Ang aking Pamilya

"Miranda" iyan ang aking apelyido ng aking pamilya. Simple lamang ang aming pamilya. Ang aking Itay ay si Guillermo Miranda jr siya ngayo ay nasa ibang bansa upang magtrabaho para sa amin. Habang ang aking ina naman ay si Jesusa Miranda. Siya ay nasa bahay lamang upang bantayan ang aking mga kapatid.

Ang aking Sarili




Ako si Guillermo L. Miranda III, labing pitong taong gulang kasalukuyang nakatira sa Munoz, Nueva Ecija. Nag-aaral sa  Central Luzon State University. Panganay  sa apat  na mag kakapatid. Kami ay nakatira sa Mangino, Lungsod ng Gapan, Nueva Ecija. Ako ay isang Masayahing tao at mapala-kaibigan sa iba. Medyo may pag ka-pilyo  pero magalang. Malakas ang loob ngunit mahiyain. Ako ito, isang simpleng estudyante ng CLSU.