Miyerkules, Setyembre 21, 2011
SI P-NOY PARA SA MGA PINOY
"Kayo ang boss ko"
ito ang popular na linya na sinabi ni pangulong Noynoy Aquino sa kanyang nakaraang SONA kamakailan lamang.Dito ay kanyang sinabi ang kanyang lahat ng programa na gusto niya mangyari sa ating bansa. Para sa akin maganda naman ang kanyang mga sinabi, kahali-halina nga sa tenga kumbaga, at madame sa mga kaibigan ko ang nagsabi na nagustuhan nila ang sona na kanilang narinig galing kay PNoy.
Pero hindi rin naman maiwasan na may mga katanungan na pumasok sa akig isipan noong aking pinakikinggan ang SONA ng presidente, kung ito ba ay kaya niyang panindigan lahat ? kung ito ba ay makatotohanan ? o kung sa lahat ba ng tinkoy niyang personalidad sa nasabing SONA ay karapat dapat pagkatiwalaan?
Ang aking hinaing at gusto lamang mangyari ay sana , hindi lang ulit sa salita kundi pati na rin sa gawa. Sana ay maipakita niya sa lahat ng pilipino na hindi nag kamali ang pilipino sa pagluklok sa kanya sa pwestong kina-uupuan niya ngayon. At sana ay hindi niya sayangin ang tiwala ng milyong milyong pilipino na umaasa sa mga pangako na binitawan niya na sana na ang lahat ng iyon ay hindi lamang mapako.Isa ako sa umaasa na lahat ng iyon ay matupad para sa ikagaganda at ikauunlad na rin ng ating bansa.
Iyan lamang po ang aking nais sabihin, MARAMING SALAMAT PO.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento